Skip to main content
Paano magbalik ng bayad?

Alamin kung paano mag-issue ng refund, kung gaano katagal bago ito maibigay sa customer, at iba pa.

Pam avatar
Written by Pam
Updated over a year ago

Posible sa PayMongo ang mag refund ng buo o bahagya sa inyong customer. Tandaan lamang na ang mga transaction fee ay hindi na maaaring ma-refund.

Mag-issue ng refunds gamit inyong PayMongo Dashboard

  1. Bisitahin ang inyong Dashboard at pumunta sa Links o Payments

  2. Piliin ang transaksyon na nais mong i-refund

  3. I-click ang "Refund" button

  4. Hihilingin sa inyo ang mga sumusunod na detalye:

    1. Full (Buo) or Partial (Bahagya) refund

    2. Dahilan ng refund

    3. Karagdagang impormasyon (maaari niyo ito gamitin bilang reference)

Paalala:

  • Ang refund para sa mga transaksyon na na-deposito na sa inyong account ay ibabawas sa inyong susunod na payout.

  • Ang "Note" section sa refund ay hanggang 255 characters lamang.

  • Refund processing eligibility - maaari lamang i-refund sa loob ng itinakdang panahon mula sa petsa ng pagbabayad

Paraan ng Pagbayad

Refund Processing Eligibility

Partial / Full Refunds

Gaano katagal bago makita ang refund sa account ng customer

Debit at Credit Card

60 na araw

Partial and full refunds

(Full refunds lamang para sa installment payments)

30 na araw

GCash

180 na araw

Partial and full refunds

Sa loob ng 24 oras

GrabPay

90 na araw

Partial and full refunds

Sa loob ng 24 oras

Maya

12 na buwan

Partial and full refunds

Sa loob ng 24 oras

BPI Online Banking

30 na araw

Partial and full refunds

Hindi bababa sa 3 banking days mula sa araw ng pag-request

UBP Online Banking

30 na araw

Full refunds only

Hindi bababa sa 3 banking days mula sa araw ng pag-request

Billease

60 na araw

Partial and full refunds

Sa loob ng 24 oras

Paalala:

Shopify refunds

  • Mapo-proseso lamang ang mga refund mula sa Shopify sa pamamagitan ng Shopify dashboard. Ang halaga ng refund at ang status ay makikita rin sa inyong PayMongo Dashboard. Maaaring i-click ang link na ito para sa isang maikling tutorial.

Maya refunds

  • Full refunds lamang ang pwedeng maproseso ng same-day. Kung ang kailangan ay partial refund, makakapagfile lang ang merchant ng refund sa susunod na araw pagkatapos makapagbayad ng customer. Pwede na mag file ang merchant ng partial refund pagpatak ng 12:00 AM sa susunod na araw.

UBP Online at OTC refunds

  • Sa ngayon, hindi pa maaaring ma-refund ang mga transaksyon na nabayaran gamit ang over-the-counter payments. (7-Eleven, M Lhuillier, Cebuana) at UBP Online.

Kung magkaroon ng problema sa pag-issue ng refund mula sa inyong Dashboard, mangyaring magpadala ng email sa [email protected] at lagyan ito ng email subject na: “REFUND - [Pangalan ng Merchant]”.

PAALALA: Hindi na maaaring kanselahin ang refund kapag nasimulan na ang pagproseso nito.

Did this answer your question?