Skip to main content
All CollectionsLocalized Help CenterGetting Started
Ano ang mga dokumentong kailangan para ma-activate ang aking account?
Ano ang mga dokumentong kailangan para ma-activate ang aking account?

Alamin ang proseso kung paano i-activate ang iyong account.

Pam avatar
Written by Pam
Updated over 7 months ago

Bago makatanggap ng bayad gamit ang PayMongo, kailangan muna i-verify ng aming Onboarding team kung lehitimo ang inyong business sa pamamagitan ng aming activation process (https://dashboard.paymongo.com/activate).

Narito ang iba’t ibang mga dokumento na kailangan para sa bawat uri ng negosyo:

Sole Proprietor (Nag-iisang may-ari, Rehistrado sa DTI):

  • DTI Registration

  • Government-issued ID ng taong nakapangalan sa rehistro ng DTI (isang (1) primary ID o tatlong (3) secondary IDs)

Partnership (Negosyo na dalawa ang may-ari, Rehistrado sa DTI):

  • SEC Certificate of Registration

  • Articles of Partnership

  • Partner’s Resolution upang italaga ang awtorisadong tao na makipagtransaksyon sa PayMongo at ang bank account kung saan ide-deposito ang payouts ng inyong business.

  • Government-issued ID ng alinman sa mga partner (isang (1) primary ID o tatlong (3) secondary IDs)

Corporation (Negosyo na tatlo o higit pa ang may-ari, Rehistrado sa DTI):

  • SEC Certificate of Incorporation

  • Articles of Incorporation and By-Laws (lahat ng pahina)

  • Pinakabagong General Information Sheet (GIS) na natanggap at isinumite sa SEC (lahat ng pahina)

  • Government-issued ID ng alinman sa mga incorporator (isang (1) primary ID o tatlong (3) secondary IDs)

  • Government-issued ID ng taong awtorisadong makipagtransaksyon sa PayMongo (isang (1) primary ID o tatlong (3) secondary IDs)

  • Duly notarized Secretary’s Certificate*

*Ang duly notarized Secretary’s Certificate ay dapat na naglalaman ng board resolution na nagkukumpirma sa pangalan ng taong awtorisadong makipagtransaksyon sa PayMongo, gayundin ang corporate bank account ng korporasyon. (Maaaring magbigay ng template ang PayMongo kung hihilingin.)

*Ang duly notarized Secretary’s Certificate ay hindi kakailanganin para sa mga korporasyong itinatag ng isang tao lamang.


Narito ang listahan ng Primary IDs bilang gabay sa pag-apply:

  • Driver’s license

  • SSS ID/UMID ID

  • Professional Regulation Commission (PRC) ID

  • Firearm license

  • Philippine Passport

  • PhilSys National ID o ePhilID

  • For foreign nationals: Passport and Alien Certificate of Registration (ACR)

Narito naman ang listahan ng Secondary IDs bilang gabay sa pag-apply:

  • NBI clearance

  • Police clearance

  • PhilHealth ID

  • TIN ID

  • Pag-ibig ID (Digitized)

  • Postal ID (Digitized)

  • Barangay clearance

  • Voter’s ID

Ang lahat ng dokumento ay maaaring i-submit online sa activation page ng PayMongo dashboard: https://dashboard.paymongo.com/activate.

Maaari lamang tumanggap ng bayad gamit ang PayMongo kapag activated na ang inyong account. Matapos i-submit ang mga dokumento para sa pag-activate ng inyong account, mangyaring bigyan lamang ang aming Onboarding team ng 14 work days para suriin ang iyong aplikasyon.

Kayo ay makakatanggap ng email mula sa aming Onboarding team kapag naaprubahan na ang inyong account o kung mayroon silang mga karagdagang tanong, tulad ng mga nawawalang dokumento o paglilinaw tungkol sa inyong negosyo.

Did this answer your question?