Maaaring gamitin ang PayMongo Links para sa madali at mabilis na paniningil at koleksyon ng mga bayad. Binibigyan namin ang inyong mga customer ng mas maraming paraan para magbayad gamit ang iba’t ibang payment methods.
Ang proseso ng pagbabayad gamit ang PayMongo Links ay nahahati sa apat (4) na madaling hakbang:
Step 1: Pagpili ng payment method
Sa pagbukas ng payment link, hihilingin sa inyong customer na pumili ng isa sa mga available na paraan ng pagbabayad: Credit/Debit Card (straight/installment payment), Direct Online Banking sa pamamagitan ng BPI/UBP, GCash, GrabPay, BillEase, Maya, BillEase at Over-The-Counter (7-Eleven, Cebuana, M Lhuillier, coins.ph)
Step 2: Pagsagot ng customer information
Sunod, kailangan i-fill out ng inyong customer ang mga hinihinging billing details.
Sa step na ito, kakaylanganin ng inyong customer ilagay ang kanyang email address, contact number, at pangalan.
Step 3: Pagsusuri at pagkumpirma ng transaction details
Ang hakbang na ito ay paraan para mabigyan ng pagkakataon ang inyong customer na suriin at i-verify ang impormasyon ukol sa kanyang pagbayad.
Step 4: Pagbayad
Iba-iba ang itsura ng huling hakbang ayon sa bawat payment method. Dito, ilalagay ng inyong customer ang kanilang payment credentials.
Credit/debit card:
GCash:
Online Banking via BPI:
Online Banking via UBP:
OTC:
Kapag gamit ang OTC, kailangan ng karagdagang hakbang para mabayaran ang mga transaksyon gamit ang mga available OTC payment methods.
Pagkatapos pumili ng OTC remittance center (7-Eleven, MLhuillier, Cebuana Lhuillier, o coins.ph), ibibigay ang karagdagang on-screen instructions upang gabayan ang inyong customer sa pagbabayad.
Successful Transactions:
Aabisuhan ang inyong customer kapag successful na ang transaction sa pamamagitan ng e-mail notification at sa paglabas ng page na ito: