Skip to main content
All CollectionsLocalized Help CenterPayments and Settlement
Paano makakapagbayad ang customers ko gamit ang PayMongo?
Paano makakapagbayad ang customers ko gamit ang PayMongo?

Alamin ang proseso ng pagbabayad gamit ang aming mga produkto.

Pam avatar
Written by Pam
Updated over a week ago

Ang proseso ng pagbabayad ay depende sa PayMongo product na inyong gagamitin.

Sa kasalukuyan, mayroon kaming apat na produkto at iba-iba ang proseso ng pagbayad para sa bawat produkto.

Links

Alalahanin lamang na ang pagtanggap ng bayad gamit ang Maya e-wallet ay kinakailangang sumailalim sa hiwalay na pag-apruba ng Maya.

  1. Ipadala ang link sa inyong customer sa pamamagitan ng text, email o social media (Facebook, Viber, WhatsApp, Instagram, etc.)

  2. Kapag natanggap at nabuksan na ng customer ang link, mapupunta siya sa PayMongo page (tulad ng larawan sa itaas).

  3. Mula doon, makikita na nila ang dapat nilang bayaran at ang mga pwedeng pagpiliang paraan ng pagbayad.

  4. Pagkatapos pumili, kinakailangang punuin ang mga hinihinging impormasyon at pwede nang magbayad sa pamamagitan ng credit card, e-wallet, BillEase, online banking, o sa pagpunta sa mga over-the-counter payment branches.

Pages

  1. Kapag na-set up na ang inyong PayMongo Page, maaari na itong i-hyperlink sa inyong website o ipadala ang URL sa inyong customer. (Maari din namin kayo bigyan ng QR codes).

  2. Maaari nilang bayaran ang halaga na nakalagay sa link, pero pwede din na ang customer ang maglagay ng halaga na babayaran. (depende ito sa kung paano naka-set up ang inyong PayMongo Page)

  3. Tulad ng PayMongo Links, pagkatapos pumili, kinakailangang punuin ang mga impormasyon na hinihingi at pwede nang magbayad sa pamamagitan ng credit card, e-wallet, online banking, o sa pamamagitan ng pagpunta sa mga over-the-counter payment branches.

API

Ang API ay dinisenyo upang kayo ay makagawa ng fully customizable na payment experience para sa mas madali at direktang pag-proseso ng bayad mula sa inyong website. Bagama't ang buong payment flow ay nakasalalay sa inyo, kailangan lang namin ng mga pangunahing impormasyon mula sa inyong customer upang sila’y makapagbayad.

  1. Kailangan ang sumusunod na mga detalye: Card Number, Expiration Month, Expiration Year at CVC.

  2. Kapag naipasa na ang mga hinihinging detalye, pwede na i-click ng customer ang “Pay Now” at matatanggap na ng inyong negosyo ang bayad.

Tignan ang aming API documentation para sa karagdagang impormasyon: https://developers.paymongo.com/reference

E-commerce plugins

Maaaring i-install ang PayMongo sa inyong Shopify, PrestaShop, WooCommerce, o Magento website gamit ang aming plugins matapos ma-activate ang inyong account.

Did this answer your question?