Ngayong activated na ang inyong PayMongo account, maaari na tumanggap ng bayad ang inyong business gamit ang aming mga produkto.
Links: Gumawa ng payment links para sa one-time payments at i-send ito sa inyong customers gamit ang chat, SMS, email, o kahit anong messaging app.
Pages: Gamitin ang customizable at reusable payment link para sa inyong products at services para 'di na kailangan gumawa ng bagong payment link sa bawat transaction.
API: Direktang ini-integrate ito sa inyong website o app para hindi na aalis pa ng inyong page ang mga customers. Kinakailangan ng developer expertise para maisagawa ito.
E-commerce plugins: Direktang ini-integrate ito sa inyong Shopify, WooCommerce, Magento, o PrestaShop websites. Hindi kailangan ng developer expertise para dito.
(Ang aming plugins ay gawa ng aming developer partner, Cyndertech, at hindi ito ang official WooCommerce plugin ng PayMongo. Ang aming official plugin ay kasalukuyang ginagawa pa. Makipag-ugnayan sa amin kung kayo ay may karagdagang tanong.)
Mahalagang paalala: May ibang payment methods na hindi pa magagamit agad, oras na ang inyong PayMongo account ay ma-activate. Maaaring umabot ng 3-5 working days para ma-configure ang inyong account ng aming partners para sa ibang payment methods.